Sunday, November 11, 2007

Itatawid ng Landas

Sa bawat dahon ng aklat ng buhay
Bakas ang luha na tumataglay
Inaanod ang pag-asa, unti unting nawawala haligi ng munting daigdig ko..

Minsay nanlalamig na rin ang araw
Init ng hangin may giniginaw
Nanlulumo nalulumbay hanap ay isang gabay sa piling mo'y hindi mabibigo...


Kahit magunaw man ang daigdig lisanin man ng init ang mundong manlalamig,
Kahit pa humayo sa daang magkabilay bangin
Ikaw pa rin o Diyos ikaw pa rin
Pag-ibig Mo ay di magwawakas, kalinga Mo o Diyos ang siyang magbibigay lakas
sa anumang panganib ginintuan ang Iyong pagliligtas
Panatag na tiyak itatawid Mo sa landas


Kung sa tadhana'y di nais ang guhit
Pawang sagabal ang sinasapit
Ikaw ang Siyang tatawagan saro ko'y aapawan ng
Pag-asang kailanma'y dulot Mo...


itatawid, ililigtas, ihahatid hanggang wakas...

No comments:

You Are Somewhat Like Your Mom
Believe it or not, you and your mom are pretty darn similar.
It may not seem like it at times, but you and your mom have a lot of common ground.
Over time, you'll probably get closer ... especially if you emphasize the things you like about each other.