Sunday, July 29, 2007

Pinaasa Mo ang Puso Ko

Pinaasa mo ang puso ko, binigyan mo ng pakpak

At ako’y nangarap ng husto, nilipad hanggang ulap

Pinaikot mo’ng aking mundo at bundok ay nilakbay

Sa akalang ating pagsuyo sa tuktok naghihintay

At ako ay halos mamatay-matay



Pinaasa mo ang puso ko

Pinaikot mo’ng aking mundo

Ng wala naman palang mapapala

Pinaasa mo lang ang puso ko sa wala



Pinaasa mo ang puso ko, binigyan mo ng sagwan

At sa laot na mapanukso, sa ilalim ng iyong buwan

Pinaikot mo’ng aking mundo hanggang ang aking bangka

Natigatig at nangabubo, tumaob, tumihaya

At nalunod na pati kaluluwa



Pinaasa mo ang puso ko

Pinaikot mo’ng aking mundo

Ng wala naman palang mapapala

Pinaasa mo lang ang puso ko



Di ka na naawa, di ka na nahabag

Di na rin nagsawa, puso kong bulag

Di malaman kung matapang o duwag



Pinaasa mo’ng aking dibdib, binigyan mo na sulo

At tinahak ko ang iyong yungib sa isipan kong hubo

Pinaikot mo’ng aking daigdig at mundo ko’y gumalaw

Upang sa masukal mong liblib, duon pala ililigaw

At wala naman palang ako’t ikaw



Pinaasa mo ang puso ko..

Pampalipas ng Sama ng Loob

Minsa’y di mo maiwasan

Ang paminsan-minsang lumuha

Minsa’y di mo matakasan

Ang hapding nadarama



Ako ang bayani ng mga bigo

Di nagtatampo

Di naglalaro

Di naninibugho



Ako’y walang puso at damdamin

Di kailangang malaman mo pa

Nakahanda na maglingkod

Kahit tingin mo pa sa akin

Pansamantala

Pampalipas ng sama ng loob



Ako’y kathang isip lamang

Na di mo dapat seryosohin

Palamuti na halamang

Di kailangang diligin



Hanggang makatagpo ka ng iba

Huwag mag-alala

Kung liligaya ka

Ako ay masaya



Ako’y walang puso at damdamin..



Pwede mong iwan

Pwede mo ring balikan



Ako’y walang puso at damdamin..



Pwede mong iwan

Pwede mo ring balikan

Paalam

Kulang ang salita

Upang muling magsimula

Kulang ang dating himig

Upang buhaying muli ang ating

Pag-ibig



Sugat ay di maghihilom

Sa 'sandaa't 'sang taon

At ang hapdi singsariwa

Naghihilab maya'tmaya



Kulang ang karanasan

Upang ang buhay maintindihan

Kulang ang buong mundo

Upang alamin ang mga lihim

Ng puso



Kulang ang ating talino

Tapang, galing at tiyaga

Upang gawiing muling bago

Ang nabahirang sumpa



Kulang ang panahon

Sa isa pang pagkakataon

Paalam, aking sinta

Huling paalam na dapat sana



Noon pa

Ibon

Di ba't para sa lahat, munti nating ilaw

Tulad ng sinag ng buwan at sikat ng araw

Di ba't ang mga taong natututong lumaya

Tulad ng mga ibong hindi nababahala



Di sila nag-iimbak, ang buhay ay kaypayak

Sa daigdig na ang lahat ay para sa lahat

Di sila naghahasik, di sila nagdidilig

Sa mundong ang mas mahalaga ay pag-ibig



Wika nga'y magsama man dal'wang ibong bihag

Kahit apat ang pakpak hindi makalipad

Gaya ng mga pusong kailangang palayain

Gaya ng mga ibong malaya ang damdamin



Di sila nag-iimbak, ang buhay ay kaypayak

Sa daigdig na ang lahat ay para sa lahat

Di sila naghahasik, di sila nagdidilig

Sa mundong ang mas mahalaga ay pag-ibig

Huling Hiling

Kung ika'y lilisan giliw ko

Tanging pakiusap ko sa iyo

Ay ipagpaliban at ako'y hayaang

Sumaya man lamang sa pasko



Kung ako'y iiwan giliw ko

Ang huling hiling ko lang sa iyo

Ay isang alaala na tayo'y maligaya

Sa huling paskong kapiling ka



Kahit papano ay mangangarap

At mananabik

Ng isang regalo, isang yakap

At isang halik



Alang-alang sa ating kahapon

Hintayin mo na'ng bagong taon

At bakasakali, mayron pang mangyari

Magbabago pa ang panahon



Kahit papano maiuuwi ko

Sa pamamasyal

Isang litrato ng kumukupas

Na pagmamahal



Alang-alang sa ating kahapon

Hintayin mo na'ng bagong taon

At bakasakali, mayron pang mangyari

Magbabago pa ang panahon



Happy New Year pag nagkataon

Holdap

Minsang ako ay nag-agahan duon sa bandang Nagtahan

Nang mayrong nagkagulo sa isang tambayan

At ang usap-usapan ay tungkol sa isang holdapan

Sa isang pampasaherong sasakyan

Nang aking nilapitan, tamangtamang naabutan

Ang isa sa biktimang nagsalaysay

At ang bukambibig niyaong mamang nanginginig

Salamat daw at siya'y naiwan pang buhay



Nanakawan na at naholdap si Juan

Ngunit ang holdaper pa ang pinasalamatan

Nabaon sa utang ang bayan ni Juan

Ngunit ang nagnakaw pa ang pinararangalan



Isang kinsenang kayod, ang pinagpawisang sahod

Ay nahulog sa kamay ng magnanakaw

Pati yung estudyante at aleng mukhang pasyente

At lolong halos di na makagalaw

Relo, singsing at hikaw, pati ngiping natutunaw

Sinimot nuong disenteng lalake

Mabuti na lang daw at mabait yaong mamaw

Sila'y inabutan pa ng pamasahe



Nanakawan na at naholdap si Juan..



Ngunit minsa'y namukhaan nitong kawawang si Juan

Ang holdaper kanya palang kapitbahay

Malimit mag-abuloy ng abubot at borloloy

Sa tuwing may okasyong pambarangay

Siya ay kwelangkwela sa simbahan at eskwela

Bida kay bishop, kay judge at kapitan

Tauntaon pati ay may medalya at plake

Ang magiting at dakilang kawatan



Nanakawan na at naholdap si Juan

Ngunit ang holdaper pa ang pinasalamatan

Nabaon sa utang ang bayan ni Juan

Ngunit ang nagnakaw pa ang nasa pamahalaan



Nabaon sa utang ang bayan ni Juan

At lalong mababaon dahil sa Philippines 2000

Balitaan Mo Ako

Ang mundo ko ay gumuho

Nang sinabi mo sa akin

Na pag-asa ko'y malabo

Di mo pwedeng mahalin

At mayron na kamo

Sa iyong nagmamahal

Ano'ng magagawa ko

Kundi ang magdasal



Na pag ika'y may pagkukulang

Lagi niyang pupunuan

At ang iyong pangangailangan

Lagi niyang tutugunan

Sana ay mahal ka niya

At walang iba

Nang di ako mag-alala

At siya nga pala



Balitaan mo ako pag hiwalay na kayo

Balitaan mo ako pag hiwalay na kayo

Balitaan mo ako pag hiwalay na kayo

Ng boypren mo

Balitaan mo ako pag hiwalay na kayo

Balitaan mo ako pag hiwalay na kayo

Balitaan mo ako pag hiwalay na kayo

Ng boypren mo



Sana ay kanyang mapantayan

Ang aking pagmamahal

At iyong mapatunayan

Habang di pa kayo kasal

At ayaw kong mangyaring

Tayo'y magsisihan

At ating masabing

Sana tayo na lang



Balitaan mo ako..



P(m)ag hiwalay na kayo ng boypren mo

Astig ang Boyfriend ko

Astig ang Boyfriend Ko



Sa wakas natagpuan ko rin

Ang ideal boyfriend of my dreams

Kahit na ano'ng aking gawin

Malaki ang tiwala niya sa akin

He's not insecure at di siya seloso

Astig na astig ang boyfriend ko



Di katulad ng alam kong guy

Na daig pa niya ang NBI

Tsinicheck lagi ang girlfriend niya

Kung saan naroon at sino'ng kasama

He's not insecure at di siya seloso

Astig na astig ang boyfriend ko



May kakilala akong sobrang malas

Nagpakasal sa machong butiki

Ang wedding ring ay ginagawang posas

Ang silver cord ay naging pambigti



Malas sa pag-ibig

Ingat sa pag-ibig

Isipin mong mabuti



He's not insecure at di siya seloso

Astig na astig ang boyfriend ko



Di katulad ng alam kong guy

Na pinaghalong pulis at spy

Sinisilip ang cellphone ng girl

At binubuksan ang di niya email

He's not insecure at di siya seloso

Astig na astig ang boyfriend ko



May kakilala akong sobrang malas

Nagpakasal sa machong butiki

Ang wedding ring ay ginagawang posas

Ang silver cord ay naging pambigti



Malas sa pag-ibig

Ingat sa pag-ibig

Isipin mong mabuti



He's not insecure at di siya seloso

Astig na astig ang boyfriend

Astig na astig ang boyfriend

Astig na astig ang boyfriend ko

Marketplace

The words of the prophet were simple and plain

And yet to the learned he sounded insane

He asked for repentance from all who have sinned

Not a reed simply swayed by the wind



And when the Messiah's turn came to pass

The savior was cursed by the same middle class

They said John had a demon, he tasted no wine

And Christ was a glutton, with drunkards he dined



Their lines were not cute, nor their gestures or voice

They played with the flute but the crowd didn't rejoice

The watchmen had sounded their trumpets to warn

They chanted a dirge but the people didn't mourn



In Jesus's tradition his followers preached

The world's destitution they touched and they reached

But six thousand years never changed it a bit

The old and the same marketplace



We're looking for miracles, wonders and signs

For a marvelous spectacle we fall in line

For silver and gold and fine raiment and fame

As though they were a prize in a spiritual game



We're deaf and we're mute and we gave them no chance

They fiddled the flute but then nobody danced

They're true to their words and their pledges they kept

They sang in a dirge but nobody wept

Kaalagad

Tayo’y binigyan niya ng puso

Upang umibig at matutong mangarap

Pinagkalooban ng talino

At mga bisig nang humayo’t magsikap



Nang kalakhang pagbabago

Ay maging ganap at lubos



Refrain

Tayo’y Kaalagad Katipunang Kristiano

Manggagawa ni Kristo sa lupang sinta

Tayo’y Kaalagad, kaagapay, kasama

Kapanalig ng masa dito sa bayan niya



Tayo’y binigyan niya ng himig

Ng kapatiran, damayan at paglingap

Upang maglaan at pumanig

Makipamuhay sa mga mahihirap



Sa gabay ng Ebanghelyo

Sa mga yapak ni Jesus


(Repeat Refrain twice)

Stop the War

The time is 11:58



Not by might nor by power

But by the Spirit, says the Lord

Not by the gun nor the sword

But by the wisdom of the Word



Dakilang Maylikha

Na mapagkalinga at mapang-unawa

Nawa'y mangyari nawa

Ang kagustuhan n'yo dito sa lupa



Bigyan n'yo po kami at sila

Ng sapat sa pangangailangang pang-araw-araw

At sa kabila ng pagkakaiba

Ay magkarinigan, makipagdiwang at makiulayaw



Iadya n'yo kami sa pagmamataas

Pagmamayabang at pagmamatigas

At mundo'y iligtas mula sa sapilitan at dahas

At sa kalupitan ng yaman at lakas



Samahan n'yo po kaming mangarap at gumawa

Ng mga pamayanang masagana at mapayapa

Sa buhay at kabuhayan, kasarian at paniniwala

Siya nawa, siya nawa, siya nawa at siya nawa



Thrice

Stop the War, Stop the War

Stop the War, Stop the War

Bahay

Isang araw ako'y nadalaw sa bahay tambakan
Labinglimang mag-anak ang duo'y nagsiksikan
Nagtitiis sa munting barung-barong na sira-sira
Habang doon sa isang mansyon halos walang nakatira



Sa init ng tabla't karton sila doo'y nakakulong
Sa lilim ng yerong kalawang at mga sirang gulong
Pinagtagpi-tagping basurang pinatungan ng bato
Hindi ko maintindihan bakit ang tawag sa ganito
Ay bahay



Sinulat ko ang nakita ng aking mga mata
Ang kanilang kalagayan ginawan ko ng kanta
Iginuhit at isinalarawan ang naramdaman
At sinangguni ko sa mga taong marami ang alam



Isang bantog na senador ang unang nilapitan ko
At dalubhasang propesor ng malaking kolehiyo
Ang pinagpala sa mundo, ang dyaryo at ang pulpito
Lahat sila'y nagkasundo na ang tawag sa ganito
Ay bahay



Maghapo't magdamag silang kakayod, kakahig
Pagdaka'y tutukang nakaupo lang sa sahig
Sa papag na gutay-gutay, pipiliting hihimlay
Di hamak na mainam pa ang pahingahan ng mga patay



Baka naman isang araw kayo doon ay maligaw
Mahipo n'yo at marinig at maamoy at matanaw
Hindi ako nangungutya, kayo na rin ang magpasya
Sa palagay ninyo kaya, ito sa mata ng Maylikha
Ay bahay

Matandang Musikero

Di pa uso noon ang hi-tech
At wala pang alternative music
Ngunit ang kanyang mga awit ay totoo
Sa mga kantang sinulat
Ay marami ang namulat
Kahit na ang karamiha'y di nagbago



Buhay pa rin ang musika

Sa kanyang gitara
Kahit na si Koyang Jess tumatanda na
Buhay pa rin ang pag-ibig

Sa sariling himig
Kailan lang siya'y nag-umpisa



Noo'y hindinghindi pupuwede
Musikerong hindi pogi
Ngunit naglakasloob siyang maiba
Sa taglay niyang katapangan
Ang iba ay nabuhayan
Kung kaya kami ngayo'y marami na



Buhay pa rin ang musika

Sa kanyang gitara
Kahit na si Heber ay tumatanda na
Buhay pa rin ang pag-ibig

Sa sariling himig
Kailan lang siya'y nag-umpisa



Ilang beses nang napasabak
Ilang beses nang napahamak
Sa lasing, pulis at budget na aruy

Ilang puwesto na ang nasubukan
Ilang rally na ang naranasan
Ilang konsyerto na ang di natuloy



Tuloy pa rin ang musika

Sa kanyang gitara
Kahit na si Pol Galang nasa Europe na
Tuloy pa rin ang pag-ibig

Sa sariling himig
Kailan lang siya'y nag-umpisa



Ilang lyrics na ang nalimutan
Ilang sablay na sa tugtugan
Ilang kwerdas na kaya ang napatid
Mangyayari rin kaya sa akin
Ganun din kaya ang sasabihin
Ng mga nakababatang kapatid



Buhay pa rin ang musika

Sa kanyang gitara
Kahit na si Granada'y matanda na
Buhay pa rin ang pag-ibig

Sa sariling himig
Kailan lang siya'y nag-umpisa



Kailan lang siya'y nag-umpisa

Kailan lang siya'y nag-umpisa
Bakit ba mukha siyang bata pa

Iisa

by Gary Granada

Minsa'y nasanay na nang nasanay
Sa konting konswelong aliw
Sa dinamidaming pasikutsikot ng buhay
Napakadaling mabaliw



Kung ikaw ay nanlalamig
Ako ay nakikinig at nakakaintindi
At sa hibang na daigdig
Ay mayron kang kakampi



Ang pangarap mo'y pangarap ko
Ang pasanin mo'y pasanin ko
Ang damdamin mo'y damdamin ko sinta
Ang kalayaan mo'y kalayaan ko
Ang digmaan mo'y digmaan ko
Ang buhay mo at buhay ko'y iisa



At kung ang karamihan ng buhay
Pakikipagsapalaran
Nakataya ang pag-ibig kong tunay
Sa lahat ng labanan



Kahit ano'ng daratnan
Hindi pagsisisihan, ako ay naririto
Sa kadulu-duluhan
Handang sumama sa iyo



Ang pangarap mo'y pangarap ko..
Ang pangarap mo'y pangarap ko..



Buhay mo at buhay ko'y iisa

Kasama

Siya'y aking kapiling

Sa kabiguan at tagumpay
Sa kanyang piling

Ako ay nahihimlay

Nakakaunawa

Sa aking pagkukulang
Nakakahawa

Ang kanyang kagandahan



Ngunit di lang siya kaibigan
Di lang siya kapatid
Di lang kasintahan

O kaisangdibdib
Di lang siya asawa

O inang uliran
Siya'y aking kasama

Sa mapagpalayang kilusan



Pinakaiibig

Pinakamamahal
Sa aming pag-ibig

Ang lahat isusugal
Ang aming pangako

Hanggang kamatayan
Saanman dumako

Ang kasaysayan



Dahil di lang siya kaibigan..



Siya'y aking kasama

Sa pagpapalaya ng bayan

Balon

by: Gary Granada


Malimit mong tinatanong sa akin
Ang tunay na sanhi at solusyon
Ng buhay na pinahihirap natin
Bakit nagkaganito, bakit nagkakaganun
Ulit lang ng ulit lang ng ulit habangpanahon



Huwag kang tumingala sa alapaap
Ang ulap ay hindi panginoon
Huwag mong sisirin ang lalim ng dagat
Ang tubig na maalat ay di tagaroon
Daluy lang ng daluy lang ng daloy habangpanahon



Sa balon, sa balon, sa balon ay naroon
Naroon, naroon, naroon lang ang tugon
Ang tugon, ang tugon, ang tugon sa iyong tanong
Ay naroon, naroon sa balon



May bago nga ba sa mundong ibabaw
Kung ang nandoon ay dati nang nandoon
Sisikat din at lulubog ang araw
At di mo maipangaw ang duyan ng taon
Inog lang ng inog lang ng inog habangpanahon



Ang ating karununga'y nakatali
Sa hangin at buhanging ilusyon
At ang dinami-daming mga lahi
Sistema at ugali, kultura't tradisyon
Salin lang ng salin lang ng salin habangpanahon



Sa balon, sa balon, sa balon ay naroon
Naroon, naroon, naroon lang ang tugon
Ang tugon, ang tugon, ang tugon sa iyong tanong
Ay naroon, naroon sa balon



Malimit mong tinatanong sa akin
Ang tunay na sanhi at solusyon
Ang tao ay mahirap unawain
Sinasagot nila ang di mo tinatanong
Ikut lang ng ikut lang ng ikot habangpanahon



Sino ba ang dapat na sisihin
Sino ba ang nasa posisyon
Patulan mo ang ibig kong sabihin
Kung may ibig sabihin, ito'y isang pasyon
Ulit lang ng ulit lang ng ulit habangpanahon

Kapag Sinabi ko Sa'yo

Kapag sinabi ko sa iyo

Na ika'y minamahal
Sana'y maunawaan mo

Na ako'y isang mortal
At di ko kayang abutin

Ang mga bituin at buwan
O di kaya ay sisirin

Perlas ng karagatan



Kapag sinabi ko sa iyo

Na ika'y iniibig
Sana'y maunawaan mo

Na ako'y taga-daigdig
Kagaya ng karamihan

Karaniwang karanasan
Daladala kahit saan

Pang-araw-araw na pasan



Ako'y hindi romantiko

Sa iyo'y di ko matitiyak
Na pag ako'y kapiling mo

Kailanma'y di ka iiyak
Ang magandang hinaharap

Sikapin nating maabot
Ngunit kung di pa maganap

Sana'y huwag mong ikalungkot



Kapag sinabi ko sa iyo

Na ika'y sinisinta
Sana'y ibigin mo akong

Mulat ang iyong mga mata
Ang kayamanan kong dala

Ay pandama't kamalayan
Na natutunan sa iba

Na nabighani sa bayan



Halina't ating pandayin

Isang malayang daigdig
Upang doon payabungin

Isang malayang pag-ibig
Kapag sinabi ko sa iyo

Na ika'y sinusuyo
Sana'y yakapin mo ako

Kasama ang aking mundo

As the deer

As the deer panteth for the water
So my soul longeth after thee
You alone are my hearts desire
And I long to worship you

You alone are my strength, my shield
To You alone may my spirit yield
You alone are my hearts desire
And I long to worship you

Wednesday, July 25, 2007

The Perfect Fan

It takes a lot to know what is love
It's not the big things but the little things
That can mean enough
A lot of players to get me through
There is never a day that passes by
I don't think of you
You were always there for me
Pushing me and guiding me
Always to succeed

You showed me
When i was young just how to grow
You showed me everything that i should know
You showed me just how to walk without your hands
'Cause mom you always were the perfect fan

God has been so good
With blessing me with the family
Who did all they could
And I've had many years of Grace
And it flatters me when i see a smile on your face
I wanna thank you for what you've done
In hopes I can give back to you
And be the perfect son

You showed me
When i was young just how to grow
You showed me everything that i should know
You showed me just how to walk without your hands
'Cause mom you always were the perfect fan

You showed me how to love
You showed me how to care
And showed me that you would always be there
I wanna thank you for the time
And i'm proud to say you're mine

You showed me
When i was young just how to grow
You showed me everything that i should know
You showed me just how to walk without your hands
'Cause mom you always were the perfect fan

'Cause Mom you always were, Mom you always were
Mom you always were...the perfect fan

I Love You Mom

Monday, July 23, 2007

Shout to the Lord

My Jesus, my Savior, Lord, there is none like You;
All of my days I want to praise the wonders of Your mighty love.
My comfort, my shelter, tower of refuge and strength;
Let ev'ry breath, all that I am, never cease to worship You.

Chorus
Shout to the Lord, all the earth, let us sing
Power and Majesty, praise to the King;
Mountains bow down and the seas will roar
At the sound of Your name.
I sing for joy at the work of your hands,
Forever I'll love You, forever I'll stand
Nothing compares to the promise I have in You.

repeat

Shout to the Lord, all the earth, let us sing
Power and Majesty, praise to the King;
Mountains bow down and the seas will roar
At the sound of Your name.
I sing for joy at the work of your hands,
Forever I'll love You, forever I'll stand
Nothing compares to the promise I have in You

The Potter's Hand

Beautiful Lord, wonderful Saviour
I know for sure,
All of my days are held in Your hands
Crafted into Your perfect plan

You gently call me, into Your presence
Guiding me by, Your Holy Spirit
Teach me dear Lord
To live all of my life through Your eyes

I'm captured by, Your Holy calling
Set me apart
I know You're drawing me to Yourself
Lead me Lord I pray

Take me, Mold me
Use me, Fill me
I give my life to the Potter's hands
Hold me, you Guide me
Lead me, Walk beside me
I give my life to the Potter's hand

You gently call me, into Your presence
Guiding me by, Your Holy Spirit
Teach me dear Lord
To live all of my life through Your eyes

I'm captured by, Your Holy calling
Set me apart
I know You're drawing me to Yourself
Lead me Lord I pray

Take me, Mold me
Use me, Fill me
I give my life to the Potter's hands
Hold me, You guide me
Lead me, Walk beside me
I give my life to the Potter's hand

Heart of Worship

when the music fades
all is stripped away
and i simply come
longing just to bring
something that's of worth
that will bless your heart

i bring you more than a song
for a song in itself
is not what you have required
you search much deeper within
through the way things appear
you're looking into my heart

Chorus:
I'm coming back to the heart of worship
and it's all about you
It's all about you, Jesus
I'm sorry Lord for the thing i've made it
when it's all about you
it's all about you, Jesus

King of endless worth
no one could express
how much you deserve
though i'm weak and poor
all i have is yours
Every single breath.

Friday, July 6, 2007

I need You

I don't need a lot of things,
I can get by with nothing
Of all the blessings life can bring,
I've always needed something
But I've got all I want
When it comes to loving you
You're my only reason,
You're my only truth

Chorus
I need you like water
Like breath, like rain
I need you like mercy
From heaven's gate
There's a freedom in your arms
That carries me through
I need you

You're the hope that moves me
To courage again
You're the love that rescues me
When the cold winds rage
And it's so amazing
'Cause that's just how you are
And I can't turn back now
'Cause you've brought me too far
You Are Somewhat Like Your Mom
Believe it or not, you and your mom are pretty darn similar.
It may not seem like it at times, but you and your mom have a lot of common ground.
Over time, you'll probably get closer ... especially if you emphasize the things you like about each other.